Matamis at Maasim
Nang unang beses matikman ng anak ko ang prutas na lemon, napapikit ang kanyang mga mata at sabay sabing, “Ang asim!” Napangiti ako at kinuha ang lemon sa kanya. Sumigaw ang anak ko, “Huwag po!” Lumapit siya sa akin at sinabi, “Gusto ko pa po!” Inubos niya ito at inabot sa akin ang balat ng lemon.
Inilalarawan naman ng mga gusto…
Pagsunod
Minsan, napagsalitaan ko ng hindi maganda ang aking asawa. Hindi kasi nasunod ang gusto kong mangyari. Binalewala ko noon ang pagpapaalala sa akin ng Banal na Espiritu ng mga talata sa Biblia na nagpapakita ng mali kong pag-uugali. Makakabuti ba sa aming pagsasama ang pagmamataas ko at ang pagsuway ko sa Dios? Hinding hindi. Kahit humingi ako ng tawad sa Dios…
Tunay na Pagsamba
Dahil sakitin na ako, nagsusulat na lamang ako ng mga babasahin bilang paraan ko ng paglilingkod at pagsamba sa Dios. Minsan, may nagsabi sa akin na wala siyang natutunan sa mga isinulat ko. Pinanghinaan ako ng loob sa sinabi niya. Naisip ko tuloy na parang walang halaga ang munting pagsusulat na ginagawa ko para sa Dios.
Sa tulong ng pananalangin, pag-aaral…
Bunga ng Espiritu
Tuwing tagsibol at tag-init namumunga ang puno ng ubas ng aming kapitbahay. Natutuwa akong pagmasdan ang mga malalaking bunga nito.
Kahit hindi kami tumutulong sa pag-aalaga ng kanilang puno, ibinabahagi nila sa amin ang kanilang ani. Sila ang nangangalaga rito pero hinahayaan nila kami na makinabang sa mga ubas.
Dahil sa mga bungang iyon, naalala ko ang mga bunga na maaaring…
Pinatawad
Noong bata pa ako, niyaya ko ang kaibigan ko na magpunta sa isang tindahan ng regalo. Nagulat ako nang bigla siyang naglagay ng mga krayola sa bulsa ko at hinatak niya ako palabas nang hindi nagbabayad. Isang linggo pa ang nakaraan bago ko sabihin sa nanay ko ang aking nagawa. Labis akong nabagabag sa loob ng isang linggong iyon. Napaiyak ako…
Nagniningning
Inalagaan ko ang aking ina nang magka-kanser siya. Kahit hirap na hirap siya sa kalagayan niya, nagbabasa pa rin siya ng Biblia at nananalangin para sa iba.
Lagi siyang naglalaan ng oras para sa Dios. Ipinapakita niya ang kanyang pananampalataya sa pamamagitan ng pagiging mabuti, pagpapalakas ng loob at pananalangin para sa iba. Makikita rin sa kanya na sa Dios lamang…
Hadlang
Habang ginagawa ko ang aking trabaho bilang manunulat, pumasok sa isip ko ang naging pagtatalo namin ng asawa ko. Nasabi ko, “Panginoon, mali rin ang asawa ko.” Apektado tuloy ang trabaho ko.
Kung nakahadlang sa aking trabaho ang hindi ko pagtanggap sa aking pagkakamali, mas lalo itong nakaapekto sa relasyon naming mag-asawa at sa relasyon ko sa Dios.
Tumawag na ako…